-- Advertisements --

CENTRAL MINDANAO- Dead on arrival sa pagamutan ang isang guro ng itoy pagbabarilin at ninakawan pa ng motorsiklo alas 7:00 ng gabi nitong Linggo sa probinsya ng Cotabato.

Nakilala ang biktima na si Ravin Lucero Bigcas,30 anyos,may asawa,senior high school teacher sa Salunayan National High School at residente ng Barangay Agriculture Midsayap North Cotabato.

Ayon kay Midsayap Chief of Police, Lieutenant Colonel John Moridel Calinga na lulan ang biktima sa kanyang minamanehong Honda Click 150 na motorsiklo mula sa kanyang tahanan para bumili ng LPG sa Town proper.

Ngunit pagsapit ng guro sa hangganan ng Brgy Central Glad,Lower Glad at Brgy Agriculture sa national highway ay bigla itong pinagbabaril ng riding in tandem suspects gamit ang kalibre.45 na pistola.

Mabilis namang tumakas ang mga suspek tangay ang motorsiklo ng biktima patungo sa liblib na lugar sa bayan ng Midsayap.

Agad dinala ang biktima sa Dr Ramon Pesante Memorial Hospital sa bayan ng Midsayap ngunit dineklara ito ng mga doktor na dead on arrival pagkatapos magtamo ng anim na tama ng bala sa kanyang katawan.

Mariin namang kinondena ni dating Cotabato Board Member Rolly Sacdalan ang pamamaril patay sa guro kung saan ninakawan pa ito ng motorsiklo.

Sa ngayon ay nagpapatuloy ang imbestigasyon ng Midsayap PNP sa pamamaril patay sa biktima.