-- Advertisements --

DAVAO CITY – Nagsagawa na ng imbestigasyon ang mga otoridad para agad malaman kung sino ang nasa likod ng pagpatay sa isang guro sa Asuncion, Davao del Norte.

Nakilala ang biktima na si Joan Laruya, 38, guro ng Katipunan Elementary School sa nasabing lalawigan.

Sa imbestigasyon ng kapulisan, habang naghihintay ang biktima sa labas ng bahay ng kanyang kasamahan na guro sa Barangay Cambanogoy, Asuncion, Davao del Norte bigla na lamang dumating ang riding in tandem suspects at pinagbabaril ang biktima sa loob ng ilang beses.

Nagtamo ng maraming tama ang biktima sa kanyang katawan na siyang ng kanyang kamatayan.

Nananawagan ngayon ng hustisya ang mga kasamahan na guro ni Laruya kung saan nakilala nila ito bilang pinakamabuting guro sa kanilang paaralan.

Sa kasalukuyan, wala pang maituro ang otoridad kung sino ang posibleng nasa likod ng krimen.