-- Advertisements --

Hindi nagustuhan ni DepEd Sec. Leonor Briones ang kumalat na viral Tiktok video ng isang teacher na maituturing umanong isang uri ng child abuse.

Ayon sa kalihim, hindi nila kinokonsinti ang anumang uri ng pag-abuso kasama na sa online o internet lalo na sa mga kabataan.

Agad ng inatasan ni Briones ang regional director ng DepEd Central Luzon na imbestigahan ang naturang isyu at patawan ng parusa kung kinakailangan ang sinasabing lalaking guro.

Muli namang nagpaalala si Sec Briones sa mga teachers at non-teaching personnel na palaging panatilihin ang mataas na professional standards maging sa mga aktibidad sa social media.

deped