-- Advertisements --
image 464

Patuloy ang panawagan ni House Deputy Minority leader and ACT Teacher party-list Rep. France Castro sa Department of Budget and Management (DBM) na huwag tipirin ang sahod para sa mga guro, sa halip at itaas ito.

“Based on the DBM’s reply this month to the petition of 60,000 teachers for substantial pay hike submitted to Malacanang in November 2022, they still have to conduct a compensation study this year but it seems that they already have a conclusion and they do not want to grant a salary increase for teachers even with the runaway inflation,” ayon kay Rep. Catro.

Dagdag pa niya, tila ba mas pinapahirapan pa ang mga guro dahil sa mababang sahod ngunit sobra sobrang trabaho lalo na ngayon na magkakaroon nanaman ng Barangay at Sangguniang Kabataan election, samantalang ang VAT-exemption para sa mga dayuhang turista ay itinutulak.

Ikinumpara niya naman ang pagdagdag ng sahod ng mga guro sa pagdoble ng sahod ng sundalo at kapulisan, aniya, kung magkakaroon ng salary distortion sa pagtaas, bakit hindi ito nangyari noong itinaas ang sahod ng pulis at sundalo.

“The Marcos administration is exposing itself as anti-teacher and it should correct this by substantially increasing the salaries of teachers. Nagpapakahirap ang mga guro sa pagtuturo ng ating mga anak at nagsisilbi pa sa eleksyon marapat lang ng suklian ng administrasyong Marcos ang pagpapagal na ito ng mas mataas na sahod,” dagdag pa ni Rep. Castro.