-- Advertisements --

Nananawagan si Deputy Minority Leader at ACT Teachers Part-list Rep. France Castro sa lahat ng mga distribution utilities na utay-utayin ang naka-ambang power rate hike increase sa mga susunod na billing cycle ng sa gayon maibsan ang epekto nito sa mga consumers.

Ito’y kasunod sa gitna ng pagsagawa ng pagdinig ng Kamara hinggil sa madalas na pagsailalim sa red and yellor power alerts at ang pwersahang pag shitdown sa halos 50 power plants.

Sinabi ni Castro, habang may accountability ang mga generation companies dahil sa pagtaas sa singil ng kuryente, subalit nananawagan ito na utay-utayin ang singil dito at siguraduhin na walang mangyayaring disconnections.

Ipinunto ni Castro, kapag ipatupad ang staggered power rate hikes, magiging staggered din ang bayad sa mga generation companies.

Umaasa si Rep. Castro na tutugon ang mga DUs sa nasabing panawagan.

Binigyang-diin naman ni Castro na kaniyang itinutulak ang isang panukala na ibaling ang burden sa mataas na power rates sa mga generation companies kapag pumalya ang kanilang mga power plant.