-- Advertisements --

Sinabihan ni House Deputy Minority Leader at ACTS Teachers Partylist Rep. France Castro si Pastor Apollo Quiboloy ng Kingdom of Jesus Christ Church na itigil na ang pagiging “feeling-ngero” at harapin ang mga kaso laban sa kanya.

Ayon kay Castro, kung talagang walang kasalanan si Quiboloy sa mga paratang sa kanya dito sa Pilipinas maging sa Amerika, harapin niya lahat ang mga ito.

Ayon kay Castro, sa patuloy na pagtatago ni Quiboloy, patunay na guilty ito sa mga alegasyon laban sa kanya.

Wala rin anyang karapatan ang naturang pastor na mag-demand ng mga kundisyon kapalit ng paglantad at pagharap sa mga kaso.

Sa pinahuling statement ni Quiboloy, haharapin lamang nito ang kanyang mga kaso dito sa Pilipinas kung hindi makikialam ang Amerika partikular ang United States Federal Bureau of Investigation, Central Intelligence Agency at US Embassy.

Matatandaan, si Quiboloy ay matagal ng wanted sa Amerika at noong 2022,diniklara siya bilang “most wanted suspected sex trafficker” sa Amerika.