Dapat managot ang National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) sa nangyaring total blackout sa Panay region at maging sa ilang bahagi ng Negros region nuong Martes, January 2,2023.
Ito ang binigyang-diin ni House Deputy Minority leader at ACT Teachers party-list Rep. France Castro.
Sinabi ni Castro na hindi maganda ang nangyari dahil milyon-milyong mga mamamayan sa Panay region ang nagdurusa sa init at kawalan ng kuryente, suspendido ang klase at bagsak ang negosyo ng marami.
Noong Miyerkules, limitado pa rin ang power supply sa rehiyon dahil karamihan sa mga power plants sa Panay Island ay hindi pa fully restored.
Binigyang-diin ni Castro na hindi lamang kasalanan ito ng NGCP kundi maging ng distribution utility (DU) ang MORE Electric and Power Corporation na pag-aari ng Razon group of companies.
Tanong din ng mambabatas kung ano ang nagawang improvement ng MORE Powers matapos i-take over nito ang distribution utility sa Panay island at kung mayruon itong sistema para protektahan anģ grid sa pag collapsed.
Ipinunto ni Castro na nangyari na ito noong isang taon at naulit na naman ito ngayon. Ayon sa Makabayan Bloc lawmaker dapat na talagang imbestigahan ang nasabing isyu.
via Bombo Analy Soberano