-- Advertisements --

ILOILO CITY – Emosyunal ang mga guro ni Miss Universe Philippines 2020 Rabiya Mateo matapos nabigong makuha ang Miss Universe 2020 crown.

Balasan Iloilo Rabiya

Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Iloilo kay Dr. Zenafe Gaton, Principal II ng Balasan Central Elementary School, sinabi nito na labis ang kanilang galak matapos nakapasok sa Top 21 ang Ilongga beauty queen.

Ngunit nang hindi napasama sa Top 10 si Rabiya, labis ang kanilang lungkot kung saan ang ila sa kanila ay hindi napigilang umiyak.

Sa kabila nito, ipinagmamalaki pa rin ng mga guro ni Rabiya ang kanyang performance kung saan ipinakita nito sa buong mundo ang isang palaban na Ilongga.