Dalawang panalo na lamang ang kailangan ng Team Asia para makuha ang kampeonato ng Reyes Cup Crown.
Ang Asia Team ay mayroong 9-3 score matapos ang tatlong araw ng billiard games kung saan ang unang koponan na makakuha ng 11 points ay siyang magkakampeon.
Nitong Huwebes ay nagwagi ang Asia team sa score na 5-3 sa doubles match na pinangunahan ni Pinoy cue master Carlo Biado at Aloysius Yapp.
Bago nito ay tinapos ng doubles na sina Jayson Shaw at Francisco Sanchez Ruiz ang anim na larong panalo ng Team Asia ng pataubin sina Ko Pin Yi at Johann Chua ng Pilipinas sa score na 5-3.
Naniniwala naman si Pinoy billiard player Johann Chua na kayang-kaya ng Team Asia ang nasabing mga nalalabing laban.
Ang Reyes Cup ay itinaguyod bilang pagkilala sa Pinoy legendary billiard great na si Efren “Bata” Reyes.