-- Advertisements --
Ikinatuwa ni Team Lakay head coach Mark Sangiao na sumusunod sa kaniyang yapak ang anak nitong si Jhanlo sa mixed martial arts.
Sinabi nito na nagiging maganda na ginagawang ensayo ng 17-anyos na anak nito.
Inamin din nito na marami pa itong dadaanan para tuluyang magkampeon sa Mixed Martial Arts.
Ang nakakatandang Sangiao ay siyang nangungunang nagsanay sa ilang sikat na Team Lakay fighters na sina Eduard Folayang at iba pa.