-- Advertisements --
Pinuna ng Filipino Mixed Martial Arts group na Team Lakay ang panukalang pagbabawal sa mga menor de edad na lumahok sa full-contact competitive sports.
Sinabi ni Team Lakay headmaster Mark Sangiao na ang martial arts at combat sports ay hindi lamang tungkol sa pakikipaglaban.
Isa sa mahalagang matututunan ng isang tao ay disiplina.
Habang bata pa lamang aniya sila ay dapat turuan ng magandang disiplina para madala nila ito sa kanilang paglaki.
Reaksyon nila ito sa panukalang batas na House Bill 1526 na inihain ni AKO Bicol Rep.Elizaldy Co at Aldredo Garbin Jr. na pagbabawal sa mga menor de edad na sumali sa anumang contact sports.