-- Advertisements --

KORONADAL CITY – Boluntaryong sumuko sa mga otoridad ang isang miyembro ng komunistang grupo sa Sitio Traankini, Brgy. Lamlahak, Lake Sebu, South Cotabato.

Ang nasabing team leader ay kinilalang si alias Mateo ng squad uno ng front operational command mula sa Far South Mindanao Region sa tropa sa himpilan ng 5th Special Forces Battalion.

Sabay din na ibinaba nil alias Mateo ang kanyang kagamitang pandigma na M16A1 rifle.

Nais nitong malinis ang kanyang pangalan mula sa pagiging myembro ng hanay ng mga komunistang terorista at makaiwas na rin siya sa pagtugis ng mga otoridad at ang nais na makasama ang kanyang pamilya.

Samantala, tatlong miyembro ng Communist Terrorist Group (CTG) sin ang sumuko sa kapulisan ng Sultan Kudarat Police Provincial Office (SKPPO), sa Barangay Kalawag 2, Isulan, Sultan Kudarat.

Bitbit din ang kanilang mga armas ay sumuko sa PNP ang tatlong dating kasapi ng teroristang grupo mula sa Guerilla Front MUSA Far South Mindanao Region sa tulo

ng ng mga operatiba ng SKPPO, PRO 12, HPG 12 at Bagumbayan PNP. Kabilang sa mga baril na kanilang isinuko ay ang isang homemade AK-47 assault rifle at isang yunit ng granada.

Dahil sa panlilinlang at sa patuloy na hirap na dinaranas nila sa loob ng teroristang grupo ang naging dahilan kung bakit sumuko ang tatlo sa pamahalaan at iwinawaksi na nila ang kanilang armadong pakikibaka.

Patuloy naman ang panawagan ng mga otoridad sa mga natitira pang miyembro ng CTG na magbalik-loob na sa gobyerno tungo sa pagkamit ng mas mapayapang pamumuhay.