-- Advertisements --

CENTRAL MINDANAO- Isang mataas na opisyal ng New Peoples Army (NPA) ang sumuko sa militar sa probinsya ng Cotabato.

Nakilala ang rebelde na si Harold Adjiaton, 30 anyos, team leader ng Special Partisan Unit (SPARU) sa ilalim ng Guerilla Front Committee 53 at residente ng Barangay Balite Magpet North Cotabato.

Sumuko si Adjiaton sa tropa ng 72nd Infantry Battalion Philippine Army sa pamumuno ni Lieutenant Colonel Rey Alvarado.

Dahil sa pagsuko ni Adjiaton nabawi ng militar ang taguan ng armas ng mga NPA sa bayan ng Matalam at President Roxas North Cotabato.

Una nang kinausap ni Colonel Alvarado ang pamilya at mga kamag-anak ni Adjiaton kaya itoy sumuko sa 72nd IB dala ang kanyang kalibre.45 na pistola,mga bala at granada.

Una nang naaresto ng militar ang lider ng Guerilla Front Committee 53 na si Rachel Daguman-Cortez, alyas Kumander Jasmin sa public market ng San Francisco, Agusan del Sur.

Ang grupo ni Kumander Jasmin ay kumikilos sa bulubundukin ng Arakan Valley Development Complex sa North Cotabato,Kidapawan City,sa bayan ng Makilala at Davao Del Sur.

Ang pagsuko ni Adjiaton at pagka-aresto kay Kumander Jasmin ay malaking dagok sa liderato ng NPA sa probinsya ng Cotabato.

Makatatanggap ng cash at livelihood assistance mula sa gobyerno si Adjiaton sa ilalim ng Enhanced Comprehensive Livelihood Integrated Program.