Plantsado na ang mga players na sasabak sa NBA All-Star Game na gaganapin sa susunod na Linggo sa estado ng Cleveland.
Ito ay makaraang isinagawa kanina ang All-Star draft kung saan pumili ng kani-kanilang mga players sina LeBron James at Kevin Durant bilang mga team captains.
Kapansin pansin na halos walang pagbabago ang kinuhang starting line-up ni LeBron kumpara sa All-Star Game noong nakaraang taon.
Mula nang maging team captain ang Lakers superstar sa nakalipas na apat na taon ay wala pa itong talo sa All-Star Game.
Narito ang line-up ng Team LeBron kung saan ang mga starters ay sina: James, Giannis Antetokounmpo ng Bucks, Stephen Curry ng Warriors, DeMar DeRozan ng Bulls at Nikola Jokic mula sa Denver. Magsisilbi namang reserve players sina Luka Doncic ng Mavs, Darius Garland ng Cavs, Chris Paul mula sa Phoenix, Jimmy Butler ng Miami, Donovan Mitchell mula sa Utah, Fred VanVleet ng Raptors at James Harden mula sa Brooklyn.
Samantala sa Team Durant ang mga starters ay sina, Joel Embiid ng Knicks, Ja Morant ng Grizzlies, Jayson Tatum mula sa Boston, Trae Young ng Atlanta, Andrew Wiggins ng Warriors.
Bagamat team captain si Durant ay hindi naman ito makakalaro sa ikalawang pagkakataon dahil sa kanyang injury.
Magiging reserves ng team sina Devin Booker ng Phoenix, Karl Anthony Towns ng Minnesota, Zach LaVine mula sa Chicago, DeJounte Murray ng San Antonio, Khris Middleton mula sa Bucks, LaMelo Ball ng Hornets at Rudy Gobert mula sa Utah.
Agaw pansin naman sa NBA Draft ang halatang pag-iwas ni Durant na kunin si Harden.
Sa huling dalawang players kasi na natira na pagpipilian ay mas minabuting kunin ni Durant si Gobert.
Wala namang nagawa si James na nangingiti na lamang kundi isama na lamang sa kanyang line-up si Harden na tanging natirang mag-isa.
Paliwanag naman ni Durant mas kailangan niya ang height sa kanyang team upang talunin sa unang pagkakataon ang Team LeBron.