-- Advertisements --

Hanggang ngayon ay usap-usapan pa rin ang nangyaring panalo kaninang madaling araw ng Iran kontra sa Morocco.

Nagkamali kasi ang player ng Morocco at naipasok ang goal sa kalabang Iran.

Dahil dito, namemeligrong umuwi ng maaga ang Moroccans.

Sinasabing maraming mga football fans ang na-shock lalo na ang bansang Morocco habang hindi naman makapaniwala sa pagbubunyi ang Iran.

Sa social media, bumaha ng mga kantiyaw at naging sentro sa pangungutya ang player na si Aziz Bouhaddouz dahil sa aksidenteng natulungan nilang manalo ang Iran sa score na 1-0.

Teymour @Teymour_Ashkan
“Saudi Arabia loses 5-0 and Iran beats Morocco. Arab twitter is exploding”

DaddyMo PhD CEng @officialdaddymo
“Egypt lost to Uruguay with a very late goal and there were tears.
Morocco also lost to Iran with a very late goal and there were tears.”

Rambo @WelshRamsey
“Morocco finally score…At the wrong end, brilliant header though. #IRN #MARIRN #WorldCup”

abdulrazak @abdulrazak_31
“Congratulations Iran for beating morocco , Really I’m so happy today #المغرب_ايران

Mohammad Isam @Isam84
“What a game. Morocco did all the running, created most chances, had more possession and even scored the goal. But Iran won.”

James Stevens @JamesStevens180
“If your #WorldCup bet has been ruined by Morocco losing or Cavani/Suarez not scoring, watch this and spare a thought for anyone on Passing Call! A mad ending at Newton Abbot, luckily everyone fine.”

Mahmoud Alsharif
“What an unlucky loss to the Morocco national team… lets hope they get a better luck next time :(”

JJ. Omojuwa @Omojuwa
“Morocco why? Shit!”

Alex united @Emmanuelyabs
“Morocco are useless!! I gave them win or draw and they messed it up”

Samantala, sinasabing ang Iran ay may tiyansang makapasok sa knockout stage sa unang pagkakataon kung sakaling manalo sila sa Spain o kaya sa Portugal.

Una nang nauwi sa 3-3 draw ang harapan ng Spain at Portugal kung saan bumida ang football superstar na si Cristiano Ronaldo nang magtala ng tatlong goals para isalba ang team sa mga Spaniards.

Ang Iran ang kabilang sa apat lamang na teams mula sa Asya kasama ang Saudi Arabia, South Korea at Japan na nakapasok sa Russia 2018.