DAVAO CITY – Umaasa ang mga atleta mula sa National Capital Region (NCR) na madidepensahan pa rin nila ang kanilang kampeyonato matapos na sila ang tanghaling dating champion sa nakaraang Palarong Pambansa 2018.
Kahit na limitado lamang ang kanilang oras bago ang nakatakdang opening ng Palarong pambansa 2019, abala sila sa kanilang pagsasanay sa kanilang billeting quarter sa Daniel R. Aguinaldo National High School (DRANHS).
Aminado naman si Dr. Genia Santos, NCR athletic director, na-prepressure pa rin sila ngunit sa tulong ng kanilang mga coaches ay tiwala silang makakamit pa rin nila ang kampeyonato.
Sa nakaraang taon, nakamit ng NCR ang 100 na mga gold medals, 70 na mga silver, at 50 na mga Bronze medals.
Napag-alaman na 14 na sunod-sunod na taon na nagkampeyon ang NCR Jammers sa Palarong Pambansa.
Samantalang kahit aminado na si Jenielito Dodong Atillo, tagapagsalita ng Department of Education (DepEd-11), na mahirap na kalaban ang taga-NCR positibo pa rin ito na makamit ng kanilang delegasyon lalo na ng taga-Davao ang panalo.