BAGUIO CITY – “Overwhelmed” pa rin ang buong glam team ng newly-crowned Miss Universe Philippines 2022 na si Celeste Cortesi sa pagkapanalo ng Filipina-Italian beauty queen.
Sa exclusive interview ng Star FM Baguio kay Guillano Valenzuela, ang resident hair and makeup artist ng The Camp, nagbubunyi ang kanilang grupo dahil ang 24-year-old model at Miss Earth Philippines 2018 ang kanilang unang alaga na lalaban sa Miss Universe.
“Actually, we are very happy and we are very speechless. This is going to be the first time from our camp that [we will be having] a Miss Universe. Ofcourse, I wanna share this limelight with other makeup artists, like Roge Bernaldez. He is the one who actually did Celeste’s makeup on the final night,” ani Valenzuela.
Dagdag nito, well-deserved ang pagwawagi ni Celeste dahil sa mga magandang katangian nito.
“We all know Celeste’s really gorgeous. Aside from that, Celeste is actually a very relatable person. Diretso siyang sumagot at alam mong nanggagaling sa puso.”
Nagpasalamat ito sa lahat ng sumusuporta sa beauty queen.
Una rito, nasungkit ni Celeste ang Miss Universe Philippines crown na ipinasa ng Cebuana beauty na si Beatrice Gomez noong Sabado ng gabi sa engrandeng coronation night sa MOA Arena.
Dinaluhan ito ni reigining Miss Universe 2021 Harnaaz Sandhu, at ng mga former Miss Universe titleholders na sina Iris Mittenaere, Demi-Leigh Tebow at Pinay pride na si Pia Wurtzbach.