-- Advertisements --
Labis ang pag-iingat na ginagawa ngayon ng Team Pacquiao para hindi madapuan ng anumang sakit si Manny Pacquiao sa ilang linggong natitira sa laban niya kay Keith Thurman.
Bukod sa matinding diyeta binabawasan na rin nila ang oras ng ensayo ni Pacman.
Naging maganda aniya ang takbo ng ensayo ng fighting senator kaya umaasa ang Team Pacquiao na mabilis nitong makuha ang peak ng kondisyon sa fight day.
Isasagawa ang laban ni Pacquiao, 40, at Thurman, 30, sa July 21 sa MGM Grand Arena sa Las Vegas, Nevada.