-- Advertisements --
GENERAL SANTOS CITY – Tutulak na papuntang Las Vegas ang Team Pacquiao ngayong Agusto 16 isang linggo bago ang nakatakdang laban kay Errol Spence.
Ito ang sinabi ni Joey Concepcion Team Mindanao Head ni Senator Manny Pacquiao. Dahil na rin sa pandemya diretso si Pacquiao sa hotel matapos naghigpit ito sa health protocol.
Sinabi din nito na sa Media day hindi nagtagal ang fighting senator sa pagsagot sa iilang katanungan habang iwas din itong magpakita ng punch mitts at boxing exercises .
Paraan umano ito para hindi masilip ang ginagawang training kasama sina Buboy Fernandez at Freddie Roach.
Dahil iilang araw na lamang ang laban kay Spence pinaiksi naman ang training ng pambansang kamao.