-- Advertisements --

ILOILO – Dumating na sa Frankfurt, Germany ang delegasyon ng Pilipinas para sa Special Olympics World Games.

Gaganapin ang event na kilala rin bilang Special Olympics World Summer Games 2023 sa Berlin, Germany sa Hunyo 17-25.

Sa panayam ng Bombo Radyo kay Princess Garcia, isang Pinay swimmer na sasabak sa naturang sporting event, sinabi nitong handang-handa siya para sa kumpetisyon matapos ang puspusang training na isinagawa sa loob ng ilang buwan.

Nanawagan rin ito sa mga Pinoy na suportahan at ipagdasal ang Team Philippines upang maiuwi ang gintong medalya sa patimpalak.

Napag-alamang sa kabuuan, 17 ang bumubuo sa delegasyon ng Pilipinas kabilang na ang anim na mga atleta na lalahok sa aquatics, athletics, at bocce.

Mangunguna rin sa “Team Philippines” ang Filipino Olympian na si Akiko Thomson-Guevara, isang eight-time gold medalist sa Southeast Asian Games, na siya ring national chairperson at president ng board of trustees ng Special Olympics Pilipinas.

Ang naturang international contest ay isang global platform kung saan ang mga atletang may intellectual disabilities ay maaring magpakita ng kanilang physical abilities sa pamamagitan ng sports.