-- Advertisements --

LA UNION – Naging gitgitan ang labanan sa pagitan ng Pilipinas at Indonesia sa nagsimula nang surfing competition sa Surfing Capital of the North Barangay Urbiztondo, San Juan La Union.

Sa pagtatapos ng qualifying round ngayong araw para sa Longboard Open – Women – Round 1, nanguna ang host country sa score na 16.25, pumangalawa ang Indonesia (9.10); pangatlo ang Thailand (5.95), at nasa ika-apat na puwesto ang Myanmar (2.70).

Nasa unang puwesto pa rin ang Team Philippines (12.25) sa qualifying round ngayong araw para sa Shortboard Open – Women – Round 2; ikalawa ang Indonesia (8.75); ikatlong puwesto ang Thailand (6.70); habang ika-apat na puwesto ang Malaysia (6.65).

Samantala, bukas isasagawa ang medal competition kung saan dito magkakaalaman kung kaninong delegado ang magbubunyi sa nagpapatuloy na 30th South East Asian (SEA) Games sa bansa.