-- Advertisements --
kiyome watanabe Phils tokyo

Hindi rin nagpahuli ang Team Pilipinas sa pagiging taas noo sa ginanap na engrandeng opening ceremony ng Tokyo 2020 Olympics nitong Biyernes ng gabi sa National Stadium.

Kung tutuusin sa 19 na mga atleta ng Pilipinas, meron pang ibang mga bansa at teritoryo ang mas maliit pa ang bilang ng mga sasabak na manlalaro.

Dahil nga sa pangamba sa COVID-19, limitado lamang ang pumarada sa Philippine delegation kasama na ang dalawang atleta at anim na mga opisyal.

Pumarada ang Pilipinas bilang pang-147 sa listahan bago ang Fiji at ang sumunod naman sa Pilipinas ay Finland.

Umaabot sa 205 ang mga bansa na nagpadala ng delegasyon sa kabila ng kinakaharap na krisis ng mundo sa pandemya

Taas noo na iwinagayway ng flag bearers na sina top boxer Eumir Marcial at judoka Kiyomi Watanabe ang bandila ng Pilipinas.

tokyo olympic stadium 1

Kasama rin nila na pumarada ay si chef de mission Nonong Araneta, Phil. Swimming Inc. President Lani Velasco, Gymnastics Association of the Phils. President Cynthia Carreon at iba pa.

Ang iba pang atleta ng Pilipinas ay hindi na pinalahok dahil ang iba ay lalaban na ngayong Sabado at sa mga susunod na araw.

Ang organizers naman ng Olimpiyada ay pinayagan lamang ang halos 1,000 spectators mula sa 70,000-seater na stadium.

fireworks tokyo