Inamin sa Bombo Radyo ng chef de mission ng Team Pilipinas sa Tokyo Olympics na si Mariano “Nonong” Araneta na maging sila ay emosyunal sa matinding panalo kagabi ni Hidilyn Diaz sa weightlifting.
Naikwento ni Araneta na hindi lamang sila nagdarasal kundi maging ang mga kamag-anak nila sa Pilipinas ay tinatawagan din para samahan sila na ipagdasal ang mga atletang Pinoy na nakikipaghamok hindi lamang sa magagaling na mga atleta sa buong mundo kundi maging sa nakakahawang COVID-19.
Nagbalik tanaw din naman ang pinuno ng Team Philippines na swerte sa bansa ang Tokyo dahil noong 1964 Tokyo Olympics unang napanalunan ng Pilipinas ang kauna-unahang silver medal.
At ngayon naman daw ay umangat ang Pilipinas at gintong medalya na ang nakuha makalipas ang halos 100 taon.