Sa ika-apat na pagkakataon, mas maraming mga babaeng atleta ang muling ipapadala ng Team USA sa Olympics.
Ang Team USA na bibiyahe papuntang Paris para sa 2024 Olympics ay binubuo ng 592 na miyembro.
Ang naturang grupo ay binubuo ng 314 na kababaihan at 278 na mga lalake.
Ang edad ng mga ito ay mula 16 hanggang 59 anyos.
Bahagi ng team USA ay ang 66 Olympian na una nang nakapagbulsa ng 110 na gintong medalya.
Mayroon din itong tatlong Olympian na limang beses nang nakapasok sa pinakamalaking tuneyo sa buong mundo.
Ngayong Olympics, paborato pa rin ang USA na maging overall Champion.
Batay sa pagtaya ng Gracenote forecasting, maaaring makapagbulsa ang Team USA ng 123 medalya ngayong taon.
Posibleng 37 dito ay mga gintong medalya.
Samantala, ang halos 600 na miyembro ng Team USA ay mula sa 46 na estado ng naturang bansa.
Pinakamarami sa naipadala ngayong Olympics ay ang estado ng California na may 120 atleta.
Gaganapin ang opening ceremony ng Paris Olympics sa July 26. Gayonpaman, magsisimula na ang kompetisyon sa July 24 at magtatagal ito hanggang Agosto 11, 2024.