Hindi umano nababahala si Team USA managing director Jerry Colangelo sa unti-unting pag-atras ng ilang high-profile players na maging bahagi ng national team para sa FIBA World Cup..
Ayon kay Team USA managing director Jerry Colangelo, normal na raw itong kalakaran kaya hindi na siya nosorpresa.
Sa darating na Agosto 5 magsisimula ang training camp sa Las Vegas habang ang official 12-man roster ay iaanunsiyo naman sa August 17.
Ang kompetisyon ay isasagawa sa pagitan ng August 31 hanggang September 15.
Unang game ng Team USA ay sa September 1 kontra sa Czech Republic.
“We’re blessed with a lot of talents, and we’re very deep. We’ll take the cards that we are dealt,” ani Colangelo.
Ang Boston Celtics player na si Jaylen Brown at New York Knicks Julius Randle ang ipinalit ngayon sa Team USA training camp roster.
Una rito ang mga umatras na sa Team USA ay sina Portland guard Damian Lillard, San Antonio guard DeMar DeRozan, Philadelphia forward Tobias Harris at Washington guard Bradley Beal.
Kabilang din sa umatras noon pa ay sina Los Angeles Lakers forward Anthony Davis, Trail Blazers guard CJ McCollum, Houston guards James Harden at Eric Gordon.