-- Advertisements --

Hindi ikinaila ni USA Basketball managing director Jerry Colangelo na nahihirapan itong bumuo ng mas matibay na koponan para isabak sa FIBA World Cup na gaganapin sa China.

Ito ay matapos na maraming mga manlalaro ang umatras sa paglalaro sa nasabing torneo.

Sa 50 mga imbitasyon niya sa mga manlalaro ay 15 manlalaro lamang ang nagtungo sa kanilang meetings at para sa nalalapit na training sa ilalim ng betaranong coach na si Gregg Popovich.

Umaasa na rin ito na makakapagpili na si Poppovich ng mga manlalaro na isasabak sa nalalapit na torneo.