-- Advertisements --
USA VS TURKEY
USA VS TURKEY/ FIB IMAGE

Nangailangan pa ng overtime para malusutan ng Team USA ang Turkey 93-92 sa nagpapatuloy na FIBA Basketball World Cup sa China.

Naging susi sa panalo ang naipasok na dalawang free throw ni Khris Middleton na mayroong kabuuang nagawang 15 points.

Hawak ng Turkey ang kalamangan 81-79 na may natitirang 11 seconds subalit na-foul ni Cedi Osman si Jayson Tatum na nagbunsod sa pagpasok ng dalawang free throw nito.

Nag-ambag naman ng 14 points si Kemba Walker, tig-11 points sina Tatum, Joe Harris at Myles Turner.

Hawak ng 2-0 win-loss record ang Team USA sa Group E habang tabla sa 1-1 ang Czech Republic at Turkey at ang Japan ay wala pa ng panalo sa dalawang laban.