-- Advertisements --
Tatum durant olympic

Muling nanguna ang veteran superstar na si Kevin Durant sa panalo ng Team USA upang ilampaso ang Australia, 97-78, sa nagpapatuloy na Tokyo Olympics.

Dahil dito pasok na muli sa gold medal round ang Amerika sa ikaapat na sunod na pagkakataon at haharapin ang mananalo sa pagitan ng European teams na France at Slovenia.

Top scorer sa US si Durant na may 23 points habang si Devin Booker ay kumamada ng 20 puntos upang mahabol ang 15 kalamangan ng Aussies.

Pagtatapos ng third period ay lumayo na ang Americans, 74-55.

Mistulang nakaganti ang Amerika dahil noong nakaraang buwan ay tinalo sila sa exhibition game ng Australia.

Samantala kung sakaling umusad ang France sa finals magsisilbi rin itong rematch dahil sa opening round ay na-upset nila ang US.