Sisimulan na ng Team USA ang paghahanda para sa Paris Olympics simula bukas, July 7, 2024.
Sisimulan ng world No. 1 team ang training camp sa Las Vegas at sa susunod na Huwebes, July 11, 2024 ay sasabak ito kaagad sa isang exhibition game kontra Team Canada.
Katulad noong FIBA 2023, magsisilbi pa ring head coach ang batikang Golden State Warriors coah na si Steve Kerr.
Ang Team USA ay binubuo ng malalaking pangalan mula sa NBA na kinabibilangan nina Stephen Curry, Lebron James, Devin Booker, Anthony Davis, Kevin Durant, Anthony Edwards, Joel Embiid, Tyrese Haliburton, Jrue Holiday, Kawhi Leonard, at Jayson Tatum
Batay sa mga naunang pahayag ni coach Kerr, posibleng maglaro si Lebron James bilang point forward at pangungunahan ang mga transition plays habang ang 3-point king ay posibleng gamitin sa off ball offense.
Ayon pa kay Coach Kerr, nakausap na niya sina Curry at Lebron na dalawa sa pinakamagagaling na player sa NBA at napag-usapan ang tungkol sa magiging samahan ng dalawa sa turneyo.
Ang dalawang tinaguriang ‘generational player’ ng NBA ay dating nagbabanggaan sa loob ng apat na magkakasunod na Finals – 2015, 2016, 2017, at 2018.
Tatlong championship ang ibinulsa ni Curry habang isa naman ang naipanalo ni Lebron.
Pero ayon kay Coach Kerr, kapwa masaya sina Curry at Lebron sa pagsasama sa iisang team, kasama ang iba pang batikang NBA player na karamihan ay mga champion.