Lalo pang nagpamalas ang Team USA ng magandang performance kasunod ng ikalawang exhibition games matapos talunin ang Team Australia, 98 – 92.
Unang tinalo ng Team USA ang Team Canada sa unang exhibition games nitong nakalipas na linggo, isang araw matapos ang naging training camp.
Mistulang nahirapan ang Team USA na itumba ang Boomers dahil na rin sa magandang depensa nito sa pangunguna ni NBA Player Josh Giddey na kumamada ng 17 points, 8 rebounds, at pitong assists, habang ang bigman na si Jock Landale ay kumamada rin ng 20 points, 7 rebounds, at anim na assists.
Gayonpaman, sinamantala ng US ang pagiging mahina ng Boomers sa 3-pt line kung saan umabot lamang sa 22.2% ang nagawa nito sa tress(4-for-18).
Nanguna naman sa panalo ng Team USA si Lakers bigman Anthony Davis na kumamada ng 17 points at 14 rebounds, kasama ang dalawang block at isang steal.
Ilan sa mga pagbabago sa naging panalo ng Team USA ay ang mas maraming oras na inilagi ni Davis sa court, lalo na sa 2nd half
Hindi naman nakapaglaro ang baguhang si Derrick White, na unang pumalit kay NBA champion Kawhi Leonard habang nananatiling hindi nakasama si 2-time NBA champion kevin Durant.
Ginanap ang laban ng dalawa sa Abu Dhabi, United Arab Emirates.