Pinahiya ng team USA ang national team ng Puerto Rico, matapos ang paghaharap nila kaninang tanghali sa Las Vegas, Nevada.
Ang nasabing game ay bahagi ng limang exhibition tune-up games na nakatakda para sa US.
Sa unang bahagi ng game, nagawa pa ng Puerto Rico na makipagsabayan sa mga NBA players na bumubuo ng Team USA, sa pamamagitan ng 50 – 43 score, pabor sa US team, sa pagtatapos ng first half ng laro.
Gayonpaman, pagpasok ng 3rd quarter ay kaagad nagpakawala ang team USA ng 34 points kontra sa 18 points lamang ng mga Puerto Ricans. Hindi pa nakuntento ang team USA at muling nabuhos ng mahigit 30 points sa huling kwarter, habang nalimitahan lamang sa 13 points ang katunggaling team.
Dahil sa magandang opensa, tinambakan ng team USA ng 43 big points ang Puerto Rico sa score na 117 – 74.
Pitong players ng Team USA na pawang mga NBA players ay kumamada ng double digit scores sa pangunguna nina Anthony Edwards at Cam Johnson na kapwa nakakuha ng tig-15 points.
Nag-ambag naman ng 12 assists si Tyrese Haliburton, habang 11 points 12 rebound double-double mula kay Jalen Brundon.
Sa panig ng Puerto Rico, nasayang ang 17 points na naging kontribusyon ni Tremont Waters, na dati ring NBA player.
Samantala, sunod na makakalaban ng team USA ang Slovenia, Spain, Greece, at Germany