Aarangkada na ang NBA playoffs sa first-round na nakatakdang magsimula sa darating na Martes, Agosto 18 (PH day).
Bubuksan ang mga games sa unang banggaan ng Denver at Utah sa Martes.
Ang top-seeded Los Angeles Lakers ay magsisimula naman ang kanilang kampanya sa Western Conference sa Miyerkules, ganon din ang harapan sa pagitan ng top-seeded na Milwaukee Bucks versus Orlando Magic sa Eastern Conference.
Sa unang pagkakataon sa NBA, walang mga home-court advantage ang mga team dahil nasa bubble at nasa loob lamang ng Disney World campus sa Florida bunsod ng COVID pandemic.
Ang first-round series ay lalaruin ng mga team ng sunod-sunod na may pagitan ng isang araw.
Meron namang apat na games sa loob ng isang araw hanggang sa tuluyang matanggal ang isang koponan.
Samantala, sa darating namang Linggo isasagawa ang kauna-unahang play-in series ng liga.
Nangangailangan lamang ng isang panalo ang Portland Trail Blazers laban sa Memphis Grizzlies upang agad na makuha ang huling biyahe patungo sa first round ng NBA playoffs.
Habang ang Grizzlies ay dapat na talunin ng dalawang beses ang Blazers.
Sinuman ang manalo sa dalawa ay makukuha ang No. 8 at final playoff spot kung saan makakatunggali sa Western Conference ang nag-aantay na top seed na Lakers.
Kung mananalo ang Grizzlies isasagawa ang winner-take-all sa Lunes.
Sinasabing dehado ang Memphis lalo na at binansagan ngayon na “MVP sa NBA bubble” si Damian Lillard.
Kanina lamang sa laban ng Blazers ay muli na namang uminit si Lillard at nagpakawala ng 42 big points upang itumba nila ang top seed sa Eastern Conference na Milwaukee Bucks.
Sa ngayon ang Eastern Conference ay kompleto na ang walong teams at magsisimula na ang unang araw ng NBA playoffs sa Martes.
Seedings and matchups:
Eastern Conference
No. 1 Milwaukee vs. No. 8 Orlando
No. 2 Toronto vs. No. 7 Brooklyn
No. 3 Boston vs. No. 6 Philadelphia
No. 4 Miami vs. No. 5 Indiana
Western Conference
No. 1 Los Angeles Lakers vs. Play-in series winner (Portland vs. Memphis)
No. 2 L.A. Clippers vs. No. 7 Dallas
No. 3 Denver vs. No. 6 Utah
No. 4 Oklahoma City vs. No. 5 Houston