-- Advertisements --
hk tear gas

HONG KONG – Kumpiyansa umano ang Hong Kong Police na makakahanap sila ng ibang paraan upang magkaroon ng overseas suppliers na mag-aangkat ng tear gas at iba pang non-lethal weapons.

Kaugnay ito ng tear gas sales ban na nais isulong ng ilang mambabatas sa Estados Unidos dahil na rin sa kabi-kabilang kilos-protesta na isinasagawa ng mamamayan ng Hong Kong.

Ayon sa isang representante ng Hong Kong enforcements, maliit lang umano ang magiging epekto ng nasabing ban sa kanilang pag-kontrol sa mga rally.

Hindi rin daw sila nababahala kung sakaling maipasa ang PROTECT Hong Kong Act dahil marami silang magiging alternatibong pagkukuhaan ng mga naturang armas.

Tulad na lamang daw ng mga manufacturers mula Europa, Asya at mainland China.

Sa oras na maipasa ang PROTECT Hong Kong Act, pagbabawalan na ang mga US companies na mag-export ng tear gas, pepper spray, rubber pellets at iba pang non-lethal weapons sa Hong Kong.

Naisip ng mga mambabatas sa Estados Unidos ang hakbang na ito kasunod na rin ng pagharap ng Hong Kong sa ika-apat na buwan ng civil unrest sa lungsod.