-- Advertisements --

Makakasama ng Philippine baseball team si dating New York Mets Tim Tebow.

https://www.instagram.com/p/B9DS0WzASSu/

Magsisimula sa susunod na buwan ang 2021 World Baseball Classic qualifiers kung saan makakaharap ng Pilipinas ang Czech Republic sa March 20.

Dahil hindi gaanong mahigpit ang WBC kaya pinayagan si Tebow na makapaglaro kasama ang Pilipinas.

Labis naman ang pasasalamat nito sa koponan dahil napili siyang maglaro.

Ipinanganak sa lungsod ng Makati si Tebow noong Agosto 14, 1987 kung saan ang kaniyang mga magulang ay nagsasagawa ng missionary work sa bansa hangggang sa limang taong-gulang ito.

Nagbukas pa ito ng pagamutan sa Davao City noong 2014 na tinawag na Tebow CURE Hospital.

Unang naglaro si Tebow sa National Football League sa mga koponan ng Denver Broncos, New York Jets, New England Patriots at Philadelphia Eagles subalit hindi siya nasiyahan kay lumipat siya ng baseball noong 2016 at kinuha siy ng New York Mets.

Ayon naman kay Philippine Amateur Baseball Association president Chito Loyzaga na isinasapinal pa lamang nila ang manlalaro na sasabak sa torneo.

Makakaharap ng Pilipinas sa double eliminations ang Czech Republic, Great Britain, New Zealand, Panama at Spain kung saan ang dalawang top team ay pasok na sa 2021 World Baseball Classic.