-- Advertisements --

Nakatakdang bumuo ng technical working group ang Metropolitan Manila Development Authority upang balangkasin ang komprehensibong masterplan sa pagtatayo ng intermodal terminal sa Quezon City.

Ito ang naging plano ng ahensya matapos makipagpulong ng mga kawani ng MMDA sa pangunguna ni MMDA Acting Chairman Atty. Don Artes, Mayor Joy Belmonte at GSIS President and General Manager Jose Veloso.

Ang naturang terminal ay itatayo sa lupang pagmamay-ari ng Government Service Insurance System (GSIS).

Habang inaasahan naman nila na mas magiging magaan at madali ang biyahe ng mga commuter kapag naitayo ang nasabing transport hub.