Aprubado ng technical working group na pinangungunahan ni First District of Albay and Liberal Party President, Representative Edcel Lagman ang consolidated substitude bill tungkol sa absolute divorce sa bansa.
“I am elated to report that the Philippines is at the threshold of joining the community of nations upholding the universality of divorce,” ayon kay Lagman.
Ilan sa amendments sa consolidated at aprubadong House Bill no. 78 ay una, ang
karagdagang dalawa hanggang tatlong taon na suporta sa inosenteng partido matapos ang divorce basta’t mapatutunayang hindi pa ito nagpakasal muli o wala pang trabaho.
Palangawa ay pagtaas ng parusa ng multa mula P200,000 hanggang P300,000 para sa mga kasabwat na asawa o isang asawa na pumipilit sa iba na maghain ng petisyon ng divorce.
Pangatlo ay pagpapahintulot sa magkasamang petisyon kung saan ang basehan ng divorce ay napapailalim pa sa summary proceedings.
Pang-apat naman ay ang karapatan na magsampa ng divorce petition sa loob ng 10 taon simula nang mangyari ang dahilan ng desisyon sa pakikipaghiwalay.
Panglima, pagbabawas ng cool-oof period mula 6 na buwan hanggang 60 na araw nalang upang mapabilis ang paglilitis at kung sakali ay mayroon pang oras upang magkasundo ang mag asawa.
Pang anim ay ang proper family court ay ang siyang magpapasya sa petisyon sa loob ng 1 taon pagkatapos ng cool-off period kung sakali mang hindi nagka ayos ang mag asawa.
Ang panghuli naman ay, ang proper family court ang mag aappoint ng administrator upang mangasiwa sa conjugal property of gains sa panahon ng proceedings nang sa gayon ay hindi mawaldas ang ari-arian.