-- Advertisements --
Patay ang teen actor na si Andrei Sison matapos na bumangga ang sinakyan nito sa isang pader sa Quezon City.
Kabilang ang 16-anyos na actor sa mga pasahero ng BMW sedan ng bumangga sa pader ng isang subdivision sa Barangay Old Balara nitong madaling araw ng Biyernes.
Dinala pa sa pagamutan ang actor kasama ang driver at dalawa pang pasahero subalit matapos ang ilang oras nasawi na ang biktima.
Base sa imbestigasyon ng mga otoridad ay nawalan ng kontrol ang driver ng kotse kung saan nabangga pa nito ang isang Ford Ecosport sports utility vehicle.
Humingi naman ng privacy ang kaanak ng biktima sa insidente.