-- Advertisements --
Tiniyak ng Filipino-British actor na si Bailey May na nasa mabuting kalagayan naman siya matapos mabiktima ng panghoholdap sa England.
Ayon sa manager ng 18-year-old actor, nagbibisikleta ang kanyang alaga bilang kanyang morning routine nang harangin ng nasa tatlong holdaper.
Suwerte namang bisikleta lang ng aktor ang pinuntirya ng mga holdaper, pero kanya pa rin niya idinulog sa mga otoridad sa England.
Si May ay isinilang sa Cebu sa pamamagitan ng kanyang Pinay na ina.