Ikinokonsidera ng karamihan ng mga Pilipino ang maagang pagbubuntis o teenage pregnancy bilang pinakamahalagang isyu sa mga kababaihan.
Batay sa isinagawang survey ng Social Weather Station (SWS) noong Nobyembre ng nakalipas na taon, umabot sa 59% ng 1,500 respondents sa buong bansa ang nagsabing teenage pregnancy ang pinakaimportanteng isyu.
Samantala, 11% naman ng mga respondents ang nagsabing physical violence ang “most important issue”; 11% rin sa hindi inaasahang pagbubuntis o unwanted pregnancy; at tig-7% naman sa sexual violence at emotional violence.
Sa Mindanao naitala ang pinakamataas na porsyento ng mga sumagot na teenage pregnancy ang numero unong problema, na may 67%.
Sa kabilang dako, isa lamang sa apat na Pilipino ang gumamit ng family planning methods sa nakalipas na anim na buwan.
Karamihan din sa mga respondents ang nagsabi na ang paggamit ng pills ang mas nais nilang pamamaraan ng pagpaplano ng pamilya.