-- Advertisements --
ILOILO CITY – Bumaba ang teenage pregnancy sa Western Visayas mula ng ipinatupad ang community quarantine.
Sa panayam ng Bombo Radyo Iloilo kay Harold Alfred Marshall, Regional Director ng Commission on Population and Development Region 6, sinabi nito na mula Enero hanggang Hunyo 2020, 3,316 ang mga nabuntis sa rehiyon.
Ito ay mas mababa na bilang ng mga nabuntis noong nakaraang taong sa kapareho ding buwan na umaabot sa 4,202.
Ayon kay Marshall, edad 10 hanggang 19 taong ang mga kadalasang nabubuntis.
Nababahala na rin anya ang ahensya sa pagbaba ng edad ng mga engage sa pre-marital sex.
Nanawagan naman si Marshall na gabayan ng mga magulang ang kanilang mga anak lalo na ngayong pandemya.