Binalaan ng isang malaking telecommunication company ang publiko laban sa voice phishing scams na panibagong modus ngayon.
Dito ay nagpapakilala ang mga fraudsters na sila ay opisyal ng National Telecommunications Commission.
Sa bagong modus na ito, ang mga scammer ay tumatawag sa mga potensyal na biktima na nagsasabing ang kanilang cellphone numero ay sangkot sa mga ilegal na aktibidad.
Ang mga fraudster ay kukuha ng pera mula sa kanilang mga target at pagbabantaang aarestuhin sila kung hindi makikipagtulungan.
Nanawagan naman ito sa publiko na huwag magbahagi ng mga mahahalagang impormasyon katulad ng personal information o financial details.
Batay sa datos ng naturang Telco, aabot na sa 236 million scam messages ang kanilang na blocked sa loob ng ikalawang kwarter ng taong ito.
Katumbas ito ng 79 % na pagbaba kumapara sa 1.1 billion messages na na blocked noong nakalipas na taon.