Vigan City – Pinagaaralan na ngayon sa Narvacan Ilocos Sur ang bagong paraan ng pagaaral ng mga mag-aaral kung saan hindi na kinakailangan ng mga ito na gumamit pa ng tablet or laptop sa kanilang pagaaral.
Sa panayam ng Bombo Radyo Vigan kay dating Ilocos Sur Governor at ngayoy Narvacan Mayor Luis Chavit Singson, magiging pilot test ang kanyang nasasakopan upang maperpekto ang sistema ng distance learning ng mga mag-aral kung saan kinakailangan itong maikonekta sa telebisyo ng bawat tahanan.
Aniya, dumating na nitong Miyerkules sa nasabing bayan ang technician ng nasabing kumpanya upang ipalawanag sa mga guro ang gusto nilang mangyari na malaking tulong sa mga tao dahil pagbukas palamang ng mga ito ng kanilang telebisyon ay maaari ng mag-aral at matuto ang mga estudyante.
Malaki ang paniniwala ng LMP President na magiging maganda ang kalalabasan ng kanyang hakbang upang makatulong sa Department of Education sa gitna ng corona virus pandemic disease.
Ang Gracia Telecommunication Corporation ay siya ring pagaari ng opisyal na parte ng LCS Group of Companies.