-- Advertisements --
Nagbabala ang grupo ng mga telecommunications companies sa bagong uri ng mga text messaging scams na hindi na dumadaan sa kanilang mga filtering systems.
Ayon sa Philippine Chamber of Telecommunication Operators (PCTO) na marapat na higpitan na ng mga industry players at mga state regulators para mapigilan ang pamamayagpag nito.
Aminado ang grupo na nakahanap ng makabagong paraan ang mga scammers para makapanloko ng hindi na dumadaan sa kanilang pagsasala.
Bukod pa dito ay nagbabala rin ang grupo ng mga pekeng cell towers na siyang sumasagap ng ilang mga subscribers sa isang lugar.
Nakipag-ugnayan na ang grupo sa iba’t-ibang government agencies para matugunan ang nasabing problema.