-- Advertisements --

Ipinasakamay na ni Alec Baldwin ang kaniyang mobile phone sa mga kapulisan na nagsasagawa ng imbestigasyon sa pamamaril ng set ng pelikulang “Rush”.

Kinumpirma ng Sheriff office ng Santa Fe ang nasabing pagpapasakamay ng nasabing telepono malapit sa kanilang bahay sa New York.

Ayon kay Santa Fe County Sheriff spokesperson Juan Rios, gagamitin nila ang telepono para mangalap ng mga impormasyon at mga text messages ganun din ang mga voicemails.

Ayon naman sa abogado ni Baldwin na si Aaron Dyer na boluntaryong ipinasakamay ng actor ang kaniyang telepono.

Magugunitang biglang pumutok ang baril na hawak ni Baldwin sa set ng ginagawa nilang pelikulang at tinamaan ang cinematographer na si Halyna Hutchins na sanhi ng kamatayan nito noong Oktubre.