-- Advertisements --

Bumagsak pa sa 13.8 degrees Celsius ang temperatura sa Baguio City, batay sa monitoring ng state weather bureau.

Maalalang sa mga nakalipas na araw ay umaabot hanggang 14 degrees celcius ang temperatura sa tinaguriang ‘Summer Capital of the Philippines’ ngunit tuluyan itong bumaba sa below 14 degrees.

Ayon sa state weather bureau, inaaasahang lalo pa itong babagsak sa mga susunod na araw kasabay ng tuloy-tuloy na paglakas ng Amihan sa Northern Luzon.

Maliban sa Baguio City, bumagsak rin ang temperatura sa Itbayat, Batanes at umabot sa 17.5 degrees Celcius.

Nananatili ring 20 degrees pababa ang mga temperatura sa Casiguran, Aurora; Tanay, Rizal; Abucay, Bataan; Calayan, Cagayan; Baler, Aurora; Sinait, Ilocos Sur;Tuguegarao City Cagayan, na pawang mula sa Luzon, at Malaybalay, Bukidnon mula sa Mindanao.

Posibleng magpapatuloy ang malamig na panahon hanggang sa Pebrero at Marso, kasabay ng patuloy na pag-iral ng Amihan.