-- Advertisements --

BAGUIO CITY – Lalo pang tumindi ang nararanasang lamig ngayon sa lungsod ng Baguio.

Naitala ang 9.2 degrees celsius na pinakamababang temperatura sa lungsod kaninang umaga.

Mas mababa na naman ito mula sa 9.6 degrees celsius na pinakamababang temperatura sa lungsod kahapon.

Ayon sa PAGASA-Baguio, posible lalo pang bumagsak ang temperatura sa Baguio City at lalawigan ng Benguet sa mga susunod na araw.

Mas malamig naman ang temperaturang nararanasan sa Mount Pulag sa Kabayan, Benguet; sa Mt. Sto Tomas sa Tuba, Benguet at sa malaking bahagi ng Atok, Benguet.

Samantala, nagpapatuloy ang paala ng Department of Health (DOH) sa mga residente at turista na laging magsuot ang mga ito ng makakapal na kasuotan para maiwasa ang mga sakit na dulot ng malamig na klima.

Sa kabilang dako, para sa iba naman angkop ang nasabing temperatura ngayong papalapit na ang Valentines Day.