-- Advertisements --

Bumagsak sa 9.4°C ang temperatura sa La Trinidad, Benguet, ang pinakamababang temperatura na naitala ngayong umiiral ang amihan sa bansa.

Batay sa record ng agromet station ng state weather bureau sa Benguet State University, ilang lugar pa sa Benguet ang nakitaan ng mas mababang temperatura.

Dahil sa mababang temperatura, nagkaroon ng malawakang andap sa mga farming village sa Atok at iba pang mga bayan.

Ayon sa weather agency, posibleng magpatuloy pa ang malamig na temperatura sa lugar habang hindi rin inaalis ang posibilidad na lalo pang babagsak ang temperatura.

Samantala, nananatili namang maayos ang produksyon ng mga high value crops sa mga taniman sa buong Benguet sa kabila ng malawakang andap na una nang naranasan nito pang nakalipas na lingo.

Ayon sa ilang magsasaka, binubuhusan nila ng tubig ang dahon ng mga pananim pagsapit ng umaga upang mapigilan ang buildup ng andap sa mga dahon at talbos ng mga ito.