-- Advertisements --

Lalo pang bumaba ang temperatura sa malaking bahagi ng Cordillera Administrative Region, kung saan naitatala ang pinakamababang temperatura sa buong Pilipinas.

Ngayong araw, naitala sa probinysa ng Benguet ang hanggang 14-degree Celsius na temperatura. Ang Baguio City na itinuturing bilang summer capital ng Pilipinas dahil sa malamig nitong temperatura ay nasa probinsiya ng Benguet.

Maliban sa Benguet, nakapagtala rin ng 17-degree celcius ang mga probinsya ng Ifugao at Mt. Province ngayong araw.

Ang iba pang mga probinsya ng Cordillera tulad ng Abra, Kalinga, at Apayao ay naitala ang pinakamababang temperatura bilang 20 degree celcius.

Sa lahat ng probinsya sa naturang rehiyon, 29 degrees ang posibleng abutin ng pinakamataas na temperatura.

Batay sa record ng state weather bureau, malimit ang nangyayaring frost o andap dahil sa labis na pagbaba ng temperatura taon-taon.