-- Advertisements --
Bumaba nitong mga nakalipas na araw ang temperatura sa Metro Manila ngayong pag-iral ng Amihan season.
Batay sa monitoring sa Science Garden, Quezon City, bumaba sa 20.2°C ang temperature nitong weekend.
Maliban sa National Capital Region, malamig na panahon din ang naranasan sa Baguio City na nasa 12.8°C at 14.4°C sa La Trinidad, Benguet.
Habang sa Basco, Batanes na nasa extreme Northern Luzon na unang tinatamaan ng northeast monsoon ay nakapag-record naman ng 15.8°C
Tinatayang magpapatuloy ang pag-iral ng Amihan hanggang sa mga susunod na linggo.
Ang malamig na hangin ay nanggagaling sa Siberia at China.