-- Advertisements --
Pinangangambahang aabot sa 38 degrees Celsius ang temperatura sa Metro Manila ngayong buwan.
Ayon kay Ana Liza Solis, chief ng Climate Impact Monitoring and Prediction Section ng PAGASA, ang naturang figure ay “instantaneous value” at hindi average temperature para sa buong buwan.
Posibleng isang beses lamang daw ito mararanasan ngayong Abril.
Gayunman, ngayong linggo, ang pinakamataas na temperatura na inaasahan sa rehiyon ay 33 degrees Celsius.